Posted by: pakshet101 | Friday, March 23, 2007

suntok sa buwan

Oo nga, isa na naman itong suntok sa buwan.

Sa harap ng pangangampanya ng mga kandidato sa darating na halalan, eto na nama’t umeksena na naman si Glueria Arrovo na ang sabi ay iaaahon daw ang Pilipinas sa kahirapan lalo pa kung ang mga tuta nya sa Lakas-CMD na kilala bilang Team Unity ang maluluklok sa pwesto sa Senado at sa ilan pang posisyon. Sabay hirit naman na kaya naman daw nagugutom ang mga Pinoy (bilang reaksyon sa lumabas na sarbey kamakelan lang na nagsasaad na tumaas ang incidence ng gutom sa Kamaynilaan) ay dahil sa luho!

Hindi ba naman kaya tayo ginagawang tanga ng gubyernong ito na silang numero unong ubod ng tanga’t nagpapahayag ng pangakong supot?

Pangako ni GMA na pag-ahon sa kahirapan pinagtawanan ng GO
By: Marlon Purificacion

LAOAG City — Tinawanan kahapon ng Genuine Opposition (GO) ang ipinangako ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na mawawala sa loob ng anim na buwan ang problema ng kahirapan sa bansa.

Ayon kay releectionist Senator Panfilo Lacson, nananaginip na naman ng gising si Mrs. Arroyo dahil suntok sa buwan ang naturang pangako na kahit sinong magaling na opisyales ng pamahalaan ay hindi kaagad masusugpo ang problema sa kahirapan.

Sinabi ni Lacson na kung talagang nais ni Mrs. Arroyo na mawala ang kahirapan sa bansa, dapat ay masugpo muna ang talamak na graft and corruption sa administrasyon ni Arroyo.

Para kay Senate President Manny Villar, imposible ang nasabing pangako dahil dahil kung susumahin ang anim na buwan na target nito kumpara sa anim na taong panunungkulan sa palasyo ng Malacañang ni Mrs. Arroyo, dapat ay noon pa nakaahon sa kahirapan ang bansa at ang mamamayang Pilipino.

Ani Villar, sa nakikita niya ngayon, lalo pang lulubog sa kahirapan ang bansa dahil kabi-kabila rin ang paglabag sa karapatang pantao sa bansa, partikular na ang talamak na extra-judicial killings.

Sabi pa niya, hindi literal na ‘gutom’ ang problema ng Pinoy, kundi mismong kahirapan sa kabuuan. Hindi rin umano epektibo ang ipinagmamalaking ‘rolling store’ sa kanayunan dahil panandalian lamang ito.

Matatag na hanapbuhay sa lahat, sapat na edukas-yon at tamang pamamahala sa gobyerno ang ilan umanong puwedeng maging sandata para maresolba ang problema sa kagutuman.

Sinabi naman ni senatorial bet Loren Legarda na nakakaalarma na ang problema ng kahirapan sa bansa. Higit umanong nakakatakot dito ang matinding kahirapan na dinaranas ngayon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao dahil ultimo problema sa kamang-mangan ay nagiging lantad na rin sa naturang rehiyon.

Bakit kaya hindi nya sisihin ang sarili nya? Ang kapal-kapal nya! Para sabihin na hindi gasinong nagugutom ang tao at iyo’y dahilan lang sa luho ay isang malaking insulto lalo sa uring manggagawa na hindi na nga disente ang sinasahod nila upang mapamuhay ng marangal ang kanilang mga pamilya! Samantalang siya, ang kanyang angkan, at mga kampones at tuta sa pangunguna ni Siraulo Gagonzalez ay tuluy0tuloy lang sa paglustay ng pera ng bayan sa gitna ng kumakalam na sikmura ng mamamayan!

Kumbaga, bumenta na yan, Glueria! Sawang-sawa na kami sa ganyan!

Sana naman ay wag na tayong mabulag at magpaloko pa sa mga pangako at iswitik tok ng mga nasa kapangyarihan. Imulat na natin ang ating mga mata. Lalo sa darating na Mayo.

================

At sya nga pala, mangyari na ipost ko ito dito upang pagpapakita ng suporta sa laban ni Ka Satur na sa ngayon ay walang awang idiniditini ng mga kampones ni Glueria na para bang kriminal…

Kailangang manindigan para sa kalayaan! Tuloy ang laban ni Ka Satur!

At desidido na ako na iboto ang Bayan Muna para sa partylist ngayong halalan!


Responses

  1. Dear friends,

    Alam nyo ba na si felix manalo ay lumuhod at nagpabasbas lang para maordinahan ng pagkasugo ng dios sa mga paring protestantes noong december 35, 1915 sa sine gloria, maynila? Yang balitang yan ang tumapos sa mga inc! May kaligtasan pa ba inc kung may ginawang kabobohan si felix manalo noon?

    love,
    Gregory Marcus Allison

    p.s. Mag-ingat ingat tayo sa mga iglesia ni cristo kasi mga manloloko lang yang mga yan

  2. Dear friends,

    Alam niyo ba na niloloko lang kayo ni Ernie. kasi hindi nya alam na kaya nasa sine gloria si kapatid na Felix Manalo ay para kilalanin ang kanyang husay sa larangan ng pangangaral ng biblia at hindi upang magpabasbas sa mga pastor protestante. siguro isa lng si ernie sa mga inis na sa paglaganap ng Iglesia ni Cristo sa buong mundo habang ung samahan nila ay unti unti ng bumabagsak dahil sa napakarami8ng salungatan at kontradiksyon.

    Sana ernie matauhan ka na, wag ka puro satsat jan. eh kung gusto mo pumunta ka sa Apalit, Pampanga. yayain mo si Bro. Eli Soriano nyo na makipagdebate sa mga pastor ng Iglesia ni Cristo kahit saang lugar, kayo na mamili.

    Hinding-hindi aatras ang Iglesia ni Cristo kahit saang diskusyon patungkol sa biblia at pananampalataya.

    p.s. Mag-Ingat kayo sa mga taong puro lang salita at matapang lang sa keyboard.


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: