Posted by: pakshet101 | Thursday, December 25, 2008

maligayang pasko!

Ika nga ng kanta…

Pasko, pasko, pasko na namang muli…

Sa totoo lang, dahil sa sobrang pagod na parang talo ko na ang kalabaw sa trabaho eh kahapon ko lang naramdaman na Pasko na nga naman. Ni sa totoo lang hindi pa ako tapos sa Christmas shopping ni ung mga bibigyan ko ng regalo mula sa personal hanggang sa monito-monita na later this week pa itutuloy dahil sa sari-saring kademonyohan, dahil nga ang isinasaisip ko ay ang todo pang pagkayod na wala na halos pahinga (at sa kasawiang-palad ay me sakit pa ako ngayong mismong Pasko)

Iniisip ko na lang ay ang tunay na esensya ng Pasko ay hindi ang pagiging matiryoso, kundi ang talagang diwa ng Pasko na ating dapat isapuso — pagkakaisa, pagmamahalan, pakikipagkapwa, kawanggawa, at higit sa lahat pananalig.

Mula sa kaibuturan ng aking puso:

MALIGAYA AT MAPAGPALAYANG PASKO SA ATING LAHAT!!!

***************************************

Now here’s something worth sharing especially now that it’s Christmas Day, taken from this compound blog:

Mga Maling Asal Ngayong Kapaskuhan…

1. Pagkakayurin at gagamitin ang mga bata na mangaroling o maglimos para magkapera. Ito ay isang uri nang child abuse. Yung iba walang pakialam kahit na magkasakit at sipunin na yung bata.

2. Magsi-sing-along/Mag-kakaraoke o videoke/Magic Sing o Magkakantahan kahit na mabingi ang natutulog na kapitbahay- yung iba alas Dos na kumakanta pa- Putragis- buti kung tama yung lyrics eh- yung iba nga wala pa sa tono…Ano tawag dito? Alarms and Scandals!

3. Gagawing dahilan ang Pasko para Mag-inuman. Yung iba nga paiiyakin pa yung anak nila- paano- ginawang pulutan si Bantay….ngek…

4. Gagawing nang hindi maganda- tapos gagamitin ang Pasko- para sa “peace talks” Oo nga na panahon ang Pasko para magbalikan mga tao- humingi nang patawad- kaso yung iba talagang abuso- Kumbaga aapakan ka tapos magsosorry kasi Pasko nga naman….

5. Yung mag-aarbor nang gamit tapos makikita mo na lang sa Pasko- suot suot yung paborito mong sweater…

6. Yung gagawing parang ATM yung nanggaling sa abroad…”Ay dumating na si Kuya—“ “Ay Kuya paki-sagot naman yung bill namin sa cable oh” “Pati yung kuryente na rin, ehehehe…atsaka pag may natira pa— pati yung bill na rin nang tubig”….

7. Yung mga tinatawag na “Raiders of the Lost Ark” mga kamag-anak na bigla na lang magsusulputan kasi may niluto ka…Yung iba nga ang kapal eh- pupunta punta utasan ka pang magluto…what the fuck? “Uh punta tayo kina-Mader—-duon tayo mag-Noche Buena!!!!”

8. Yung mangungutang tapos gagawing palusot ang Pasko- kung bakit di pa sila magbayad—

9. Yung gagawing parking ang kalsada na halos wala nang makadaan- at titignan pa yung mga di makadaan nang masama na “Aber-?”

10. Yung gagamitin ang panahon na ito para mang-abuso- tulad nang mga abusadong mga tsuper, taxi driver, etcetera- etcetera….


Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: